Vicki Belo, ayaw na binabati sa kanyang kaarawan: "Nung pinanganak ako, never akong hinawakan ng nanay ko."

 


Emosyonal na ikinuwento ni Dra. Vicki Belo kung bakit ayaw niyang binabati siya sa kanyang kaarawan.

Ito ay buong tapang niyang ibinunyag sa panayam ni Ogie Diaz na nagtataka kung bakit ayaw ni Dra.Vicki na maging ang mga malapit na kaibigian sa showbiz ay hindi bumabati sa kanyang kaarawan.


Nalaman ng ShowbizTrending na isa sa mga naitanong ni Ogie sa kaibigang si Dra. Vicki ay kung bakit hindi nila ito mabati tuwing nagdiriwang siya ng kanyang kaarawan.

Ipinaliwang din ni Vicki na ito ay may kaugnayan sa kanyang pagiging ampon.

Kwento ni Dra. Belo, Ikalima siya sa siyam na magkakapatid. Sinabi ng kanyang ina noong ipinagbubuntis pa lamang siya nito ay kung babae ang nasa sinapupunan ay ibibigay niya ito sa kapatid.


"Nung pinanganak ako, never akong hinawakan ng nanay ko," "In my head... parang ipinanganak ka pa lang, ipinamigay ka na," naluluha nang nasabi ni Dra. Vicki. "So when I think of that since I have so many issues about adoption about not being good enough, about not being lovable... I don't like to be greeted," "My mom and dad gave me on my birthday," paliwanag niya sa kung bakit ayaw niyang binabati siya ninoman sa kanyang kaarawan.


"Wala, bumabalik lang talaga ang pain".

"I just ignore... so the best gift that you can give me is not to greet me"

Narito ang video na mapapanood sa YouTube Channel ni Ogie Diaz.


Si Dr. Vicki Belo ay kilalang dermatologist at television personality sa Pilipinas. Siya rin ang founder, CEO, at Medical Director ng Belo Medical Group.

Powered by Blogger.