Cristy Fermin, inilantad sa publiko na si Barbie Imperial ang nasa blind item na nagpupunta sa bahay ni Gerald Anderson!
Maraming netizen ang nagulat sa ibinunyag ni Cristy Fermin tungkol kay Barbie Imperial.
Si Barbie pa di ang topic ni Cristy sa latest episode ng Cristy Ferminute kasama si Rommel Chika. Dito ay deretsahang ibinunyag ng batikang kolumnista na si Barbie umano ang laman ng isang blind item.
Ang kapamilya aktres daw ang tinutukoy na palihim na pumupunta sa gym at bahay ng aktor na si Gerald Anderson.
Inamin din ni Cristy na hindi niya talaga gusto ang asal ni Barbie lalo na daw the way na magsalit ito.
Ani Cristy, “Alam mo hindi ko gusto yang tabas ng dila niyan eh. Ayoko sa mga batang ito, na kung makapagsalita, akala mo eh kanila ang mundo.”
Dagdag pa nito, “Sa bagay, hindi naman bago yung katarasan ng dila ng babaeng ‘to.”
Hanggang sa ibnunyag niya ang nasabing blind item.
“Alam kaya ni Diego, na si Barbie Imperial, yung naba-blind item noon, na nagpupunta-punta sa gym ni Gerald Anderson?” saad ni Cristy.
“Sa 3rd Floor,” singit naman ni Rommel.
“Di ba? Alam ba yon ni Diego? Baka ngayon lang niya nalaman,” pangiintriga pa ng beteranang kolumnista.
“Siya pala yung naba-blind item noon na nagpupupunta doon sa gym, at sa bahay ni Gerald,” pagpapatuloy pa nito sa kanyang pahayag.
Panuorin ang episode ng Cristy Ferminute.