Beteran Singer Aktres, kinumpirmang matagal na naging karelasyon niya noon sina Piolo Pascual at Aga Muhlach!

 


Sa pamamagitan ng "Jojowain o Totropahin Challenge" kasama ang mga kaibigan, inamin ni Pops Fernandez na naging jowa niya noon sina Aga Muhlach.

Matagal na ang balitang nagkaroon ng relasyon si Pops Fernandez kina Aga Muhlach at Piolo Pascual ngunit walang kumpirmasyong narinig sa mula sa kanila.


Hanggang inamin ni Pops ang katotohanan sa "Jojowain,Totropahin, Dededmahin o Dakmain Challenge."

Kasama ni Pops sa katuwaan ang kanyang mga kapwa Artista;Singer.

Ang mga pangalan nina Gabby Concepcion, Dingdong Dantes, Christopher de Leon, Coco Martin, Derek Ramsay, Dennis Trillo, Luis Manzano, Xian Lim, Piolo, at Aga ang ilan sa local male actors na nabanggit sa "Jojowain, Totropahin, Dededmahin o Dadakmain Challenge" nina Pops, Joy, Toni, at Lara habang umiinom sila ng tila wine o champagne.

Nang banggitin ang pangalan ni Piolo, sinabihan ni Toni si Pops ng "Be Honest"


Natatawang pag-amin naman ni Pops: “Na-jowa ko na siya so Jojowain. Jowa lang, ha?”

Sinundan naman ito ni Joy ng “Revelations…!”

Nang ang pangalan na ni Aga ang napag-usapan, “Nasa listahan, wala akong choice,” depensa muna ni Pops.


Pero natawa niyang sagot, “Totropahin”

Nagpaliwanag naman si Pops nang tawagin siyang “plastic” nina Joy, Toni at Lara.

“Hindi nga… friends…. bakit? Ex ko na siya so friends na tayo,” nakangiting reaksiyon ni Pops sa panunukso sa kanya ng mga kaibigan kay Aga.

Hindi lamang sina Aga at Piolo ang mga aktor na inamin ni Pops na nakarelasyon nito dahil ex-boyfriends din niya sina Jomari Yllana at Brad Turvey, pero masyadong pribado noon ang kanyang love life.

Ang mga bagong rebelasyon ni Pops tungkol kina Aga at Piolo ang nagbigay ng dahilan sa ibang mga babae para kaiinggitan siya dahil mga guwapo at sikat ang mga dating karelasyon ng Concert Queen ng Pilipinas, kabilang ang kanyang ex-husband na si Martin Nievera.


Marami-rami na din pala ang mga naging ex-boyfriend ni Pops Fernandez.

Powered by Blogger.