Paolo Contis, nagalit sa kumakalat na tsismis na si Yen Santos ang nagbayad ng dinner date nila!

 


Matapos magviral ang dinner date picture ni Paolo Contis at Yen Santos ay agad itong naging usap-usapan ng mga netizen.

Nang makarating kay Paolo ang balitang si Yen Santos di umano ang nagbayad sa dinner date nila ay kitang-kita na-irita si Paolo Contis nang nakaka-text ko para tanungin tungkol sa lumabas sa ibang diyaryo na si Yen Santos daw ang nagbayad nang nag-dinner sila noong Sabado, November 20, para i-celebrate ang kaarawan ng aktres.


Isinulat sa isang tabloid na na-decline ang credit card ni Paolo kaya si Yen daw ang nagbayad.

Nakarating raw sa kanya ang mga pinagsasabi ni Xian Gaza sa Facebook. May sinabi pa si Xian na nung nag-check out sina Paolo at Yen sa isang hotel, doon daw na-decline ang credit card ng Kapuso actor.

“Una sa lahat, hindi ako nagka-card. Kasinungalingan ‘yan. Tapos, pinatulan naman ng iba,” himutok ni Paolo.


Pero sa pagkakaalam ko, may kinakausap nang abogado si Paolo kaugnay rito. Hindi ko lang tiyak kung si Xian Gaza ang bubuweltahan niya, dahil napupuno na raw siya sa mga pinagsasabi nito.

Sa pagkakaalala ko, itong si Xian din yata ang nagkalat noon na nagda-drugs daw si Paolo at sinasaktan ang mga bata nung sila pa ni LJ Reyes. Puro kasinungalingan daw ang mga pinagsasabi nito, kaya dapat lang daw na bigyan ng leksyon.


Minabuti kong huwag nang isulat ang iba pang pinagsasabi ni Paolo dahil alam kong dala lang ito ng sobrang galit niya.

Anong masasabi niyo tungkol sa balitang ito?

Powered by Blogger.