Kimpoy Feliciano, binati si Heaven Peralejo sa kanyang Birthday "THANK YOU FOR COMING INTO MY LIFE"
Sa kanyang Instagram Post, ibinahagi ni Kimpoy Feliciano ang kanyang pagbati para sa kaarawan ni Heaven Peralejo.
Ibinahagi niya rin ang kanilang pictures na magkasama kalakip ng kanyang pasasalamat sa pagdating nito sa buhay niya.
Agad na umani ng mga reaksiyon ang post ni Kimpoy Feliciano para sa kanyang pagbati sa kaarawan ni Heaven Peralejo. Kalakip ng pictures nilang magkasama sa beach, ibinahagi ni Kimpoy ang kanyang pagpapasalamat sa aktres sa aniya'y pagdating nito sa kanyang buhay.
Ibinahagi niya rin ang kanyang pangako na lagi lang siyang naroroon para sa aktres ano man ang mangyari.
Matatandaang agad na pinagtanggol ni Kimpoy si Heaven sa mga komento sa nauna niyang post kung saan nakasama niya si Heaven at iba pa nilang kaibigan.
Si Heaven Peralejo ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos niyang maging bahagi ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 kung saan nakilala siya sa bansag na Mommy's Angel of Makati. Pamangkin siya ng mga dating aktres na sina Rica Peralejo at Paula Peralejo. Minsan na siyang naiugnay sa anak Nina Manny at Jinkee Pacquiao na si Jimuel.
Gayunpaman, nagkahiwalay silang dalawa matapos nilang aminin ang kanilang relasyon noong 2019. Samantala, ipinagtanggol ni Jimuel si Heaven kaugnay sa lumabas na isyu at sinabing walang katotohanan na binigyan umano ng kanyang ina ng pera si Heaven.
Naging usap-usapan din ang relasyon ng aktres sa aktor na si Kiko Estrada. Matapos linawin ni Kiko na hindi si Heaven ang 3rd party sa hiwalayan nila ng dating kasintahang si Devon Seron, mas naging bukas sila sa pagpost ng kanilang mga pictures.