Kilalanin ang lalakeng nagpapatibok sa puso ni Herlene Nicole Budol!


Si Herlene Budol ay unang nakilala sa "Wowowin". Si Willie ang nakadiskubre sa talento ni Herlene sa pagho-host at pagpapatawa nang minsan ay naging kalahok ito sa isang segment sa kanyang programa na "Willie of Fortune".

Simula noon ay nagtuloy-tuloy na ang kasikatan ni Herlene aty naging regular host na rin ito sa "Wowowin"


Noong 2019 naman ay marami ang kinilig matapos 'mabingwit' ni Herlene ang puso ng isang Amerikano na miyembro ng U.S Navy.

Hindi napagilan na mabighani ang amerikanong si Patrick Bolton kay Herlene at dinalhan pa niya ito ng bulaklak sa studio ng "Wowowin".


Sa kabila naman ng hindi maitagong 'chemistry' nina Harlene at Patrick ay mayroon na palang nagpapatibok sa puso ni Hipon Girl.

May nobyo na nga si Herlene kamakailan ay ipinakilala niya ito sa publiko.

Sa isang Facebook Post ay binati ni Herlene ang kanyang real-life boyfriend na si Xam Troy Bello. Ipinost din ni Herlene ang ilang litrato ng kanyang nobyo kalakip ang isang sweet message.


Sabi ni Herlen. "MAY BOYFRIEND AKOOOO HINDI PANG TV PANG REALITY. Hi My Bebe Loves Happy Happy birthdaY sayo, first of all hanggang dulo I LOVE YOU.

Ayon pa kay Herlene, hindi niya ipagpalit ang kanyang nobyo sa mga lalaking nali-link sa kanya sa telebisyon.

Dagdag ni Herlene. "Eto lang promise ko sayo kahit sino dumating ikaw pa din pang tv lang sila ikaw pang reality. madami na tayo pinagdaanan kaya wapakels na sa mga chismosa at mga manggugulo. walang kilig na makakatumba sa araW-araw mong dulot."


Pinasamalamatan din ni Herlene ang kanyang nobyo dahil lagi umano siya nitong pinapasaya. Dagdag pa ni Herlene, inspirasyon niya ang kanyang nobyo.

"Sana maging masaya lang tayo, salamat sa pagpapasaya at pagiging inspirasyon nandito lang ako palagi para sayo MAHAL NA MAHAL KITA MY BEBELOVES XAM TROY BELLO". ani ni Herlene.

Powered by Blogger.