Julius Babao, inireklamo ang nabiling Pizza "May Plastik"
Filipino Journalist Julius Babao nadismaya sa isang pizza restaurant-chain nang makita na may plastic ang pizza na inihain sa kanila.
Inupload ng Journalist ang video kung saan makikita na may plastic ang inihain nitong Pizza sa kanila.
Panoorin ang video:
“Guys, dumating na ‘yung order namin na pizza from Shakey’s. Itong the weirdest experience namin, guys ‘no. Pinatungan ng cheese, ito o. Kaya pala ang hirap, kako, inii-slice ko kanina siya. Sabi ko, ‘Parang may plastic?’ So nung inangat ko ngayon guys, may plastic sa loob, see?” ani Julius nang iangat niya ang pizza upang ipakita ang umano’y plastic.
Aniya, “May plastic, tapos ‘yung dough nasa ilalim, sa ibabaw, pinatong nila yung cheese dun sa plastic.”
“Buti hindi natunaw ‘yung plastic, hindi sumama dun sa cheese kundi nakain namin ‘yung cheese tsaka yung plastic. Nako, ano ba yan, Shakey’s. Anong nangyayari sa inyo?” dismayadong tanong ni Julius.
Samantala, humihingi naman ng dispensa ang "SHAKEYS" dahil sa hindi inasahang pangyayari.
Julius Caesar Concepcion Babao is a Filipino broadcast journalist, radio commentator and former talk show host for the Philippine television stations ABS-CBN & TV5. He is most notable for anchoring TV Patrol from April 2003 to November 2010 and Frontline Pilipinas from February 7, 2022, to the present

