Yen Santos, buntis di umano matapos itong makita sa airport kasama si Paolo Contis papuntang Boracay!

 


Muling nagviral sa social media si Yen Santos at Paolo Contis matapos itong makita sa airport na magkasama.

Labis itong pinag-uusapan ngayon ng mga netizen dahil sa paglaki ng tiyan ni Yen Santos.


Hindi na nga tinantanan ng kontrobersiya sina Yen at Paolo. Ito ay magmula nang makita silang laging magkasama.

At itinuturong dahilan din kung bakit naghiwalay noon sina Paolo at dating partner na si LJ Reyes. Nag-umpisa ang pagiging malapit nina Paolo at Yen ng magsama sila sa pelikulang ‘A Faraway Land’

Makatapos ng nasabing pelikula ay lumabas na ang balitang nagkakalabuan na sina LJ at Paolo. Mas lalo pang tumindi ang haka-haka ng marami na si Yen ang dahilan ng mamataan na nagpunta sila ni Paolo sa Baguio.


At simula noon ay marami pang events na nakitang sweet silang magkasama. Ngunit magpasa hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon mula sa dalawa kung ano na ang kanilang estado.

Ang tangi lamang na inilabas na pahayag ni Paolo noon ay magkasama lamang daw sila ni Yen ‘as a friend’

Hanggang sa may lumabas na ngang isyu na buntis diumano ang aktres dahil sa biglaang pagdagdag ng timbang nito.

At kamakailan lamang ay isang litrato nila ang nakuhaan na tila nasa airport sila papuntang Boracay.

Sa Facebook page na ‘ISYUS’ ay nakalathala ang nasabing larawan. Kung saan kapansin pansin na tila iba nga ang laki ng tiyan ni Yen.

Sa nasabing post ay hindi naman tinukoy kung nagdadalangtao na nga ba ang aktres. At baka busog lamang daw ng makuhaan ang nasabing larawan.

Kung saan makikitang nakasuot si Yen ng oversized polo longsleeves at maong short. Agaw atensyon nga naman ang tila umbok sa kanyang tiyan.

Powered by Blogger.