Viral: Pari, ibinahagi ang video ng kasal ng kanyang ex-girlfriend!
Inulan ng maraming reaksyon ang vlog ng isang pari kung saan ibinahagi niya ang araw ng kasal ng kanyang ex-girlfriend.
Gayunpaman, nilinaw niyang lahat iyon ay nakaraan na at hangad niyang maging masaya ang pagsasama ng mag-asawa.
Sa YT Channel ni Fr. Roniel Sulit na Fr. Roniel El Haciendero, ibinahagi niya ang video ng naging kasal ng kanyang ex-girlfriend kung saan siya ang nagbigay ng homily. Dito ay naibahagi niya ang tungkol sa kanilang nakaraan ng bride na si Korina.
Nilinaw din niya na ang lahat iyon ay nakaraan na at hangad niyang maging masaya ang pagsasama ng mag-asawa. Nagbiro pa ito na kaya na-late ang paring magkakasal sa kanila ay dahil classmate niya ito.
Narito naman ang mga naging komento ng mga netizens:
I felt the kilig and the kaba. thats the challenge of being a pari yung kaya niang harapin ang past at ikasal yung taong once naging part ng life nia.. so brave! Congrats to the newly wed.
I rarely see priests who have this kind of sense of humor. Nakakatuwa panoorin si Father kasi yung sense of humor niya kita sa personality at pagsasalita niya and this vlog is very light. Ang sarap panoorin. Nakangiti lang ako the whole time. Hehe. Thank you Father!
This vlog made my night <33 grabe ang genuine ni Fr. Roniel, i can feel na wala talagang bitterness and they are both happy sa decisions nila in life. best wishes to the newly wedded!! and to father, sana palaging payapa at masaya po ang puso mo. see you around in Lipa Batangas, Father!
Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.
Panoorin ang viral video: