Rob Moya, inamin na hiwalay na sila ng kanyang girlfriend na si Jennifer del Rosario!
Kinumpirma ng sikat na vlogger na si Rob Moya na hiwalay na sila ng kanyang girlfriend na si Jen.
Ayon kay Rob Moya mayroon silang mga bagay na hindi napagkasunduan at napagpasyahan nilang maghiwalay na lamang ng kanyang girlfriend na si Jennifer del Rosario. Kahit nagkahiwalay na at wala na ang tambalang RoJen, masayang ibinahagi ni Rob na magkaibigan pa rin naman umano sila ni jen.
Matatandaang mismong ang ex niyang si Toni Fowler ang tumulong sa kanya sa kanyang surprise para kay Jen. Dito siya sinagot ni Jen at pormal nilang isinapubliko ang kanilang relasyon.
Ilang beses ding nakasama sa vlog ni Toni sina Rob at Jen.
Marami sa mga tagahang nina Rob at Toni ang kinilig para sa kanila. Narito ang reaksiyon ng mga netizens.
Kinikilig pa din ako sa inyo. Ni konting hate di ko nagawa sa inyo. Nung naging si Rob at Jen talagang nasasaktan ako kasi gusto ko kayo ni Mommy Oni, HANGGANG SA DULO.
Ramdam parin ang pagmamahal nilang dalawa pag sila magkasama. NaAlala ko noon nung magkasintahan pa kami ng asawa ko. 13years in relationship... naghiwalay kami. sabi ko ayoko na.. kasi nga hindi na kami nagkakaintindihan pero after 2years nagkita kami ulit. Ayun nagkabalikan kami at nagpakasal kami sa simbahan. Good luck po sa inyong dalawa malay niyo kayo talaga ang para sa isa't isa. Mahirap kalabanin ang itinadhana... ilang beses man kayong mag-away at maghiwalay pag kayo talaga, Gagawa si LORD ng paraan para pagtagpuin uli kayong dalawa. Godbless po sa inyong dalawa Mommy Oni and Daddy Rob.
Si Rob Moya ay isang aktor na naging karelasyon ng vlogger na si Toni Fowler. Nakilala siya sa YouTube bilang si Daddy Rob dahil marami ang humanga sa pagtayo nito bilang ama sa anak ni Toni.