Maymay Entrata, ibinunyag kung paano siya ini-arapan ng isang sikat na artista noong baguhan pa lamang siya!

 


Sa bagong upload ni Mimiyuuh sa kanyang YouTube Channel ay agad umabot ng million views ang video kung saan inamin ni Maymay Entrata na inirapan siya noon ng isang sikat na artista.

Hindi naman umano itinuturing ni Maymay Entrata na bad experience ang dinanas niya nang pumunta siya sa ASAP nang baguhan pa lamang siya at kakalabas pa lamang niya sa Pinoy Big Brother house.


“Uy buti na lang wala. Pero hindi naman yun bad experience talaga na sinigawan ako or minalditahan ako. It’s more like yung tingin sa akin. Kasi di ba kakalabas ko lang ng PBB tapos sobrang excited ako makita yung iba’t ibang artista. Pumunta ako sa ASAP Natin ‘To tapos nagpa-picture ako sa mga artista tapos itong isa, gusto ko sana magpa-picture. Bago ako magpa-picture ginanito niya ako ‘day " 

Ito ang naging tugon ni Maymay sa katanungan ni Mimiyuuuh kung meron siyang bad experience sa celebrity. Hindi naman niya umano maituturing na bad iyon ngunit tiningnan umano siya ng di pinangalanang artista mula ulo hanggang paa at inirapan pa siya.

Si Maymay Entrata o si Marydale Entrata sa tunay na buhay ay isang actress, singer, television host, at model. Sumikat siya matapos siyang tanghalingbig winner sa Pinoy Big Brother: Lucky 7.



Naging talent siya ng Star Magic matapos siyang manalo sa PBB. Bumida siya sa romantic comedy film na Loving in Tandem (2017). Ilan pa sa mga pelikulang kinabilangan niya ay Da One That Ghost Away at Hello, Love, Goodbye . Naging bahagi din siya ng seryeng La Luna Sangre (2017) at Hiwaga ng Kambat (2019).

Si Maymay ang unang Filipina na makasali sa Arab Fashion Week. 

Powered by Blogger.