WEDDING UPDATE: Derek Ramsay gustong mamanhikan sa Cebu.

 


Kinumpirma ng mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna na magpapatuloy ang kanilang kasal sa 2021.

"Dapat! Gusto namin this year. The plan is this year," sabi ni Derek.


Si Morly Alinio ay nakapanayam kay Derek at kasintahan na si Ellen na magkasama sa programa sa radyo ng DZRH noong Linggo, ika-1 ng Agosto. Tinanong ang mag-asawa kung ang kanilang iskedyul ng kasal ay Setyembre o Oktubre 2021 talaga.

Ngunit ayaw nilang ibigay ang eksaktong petsa sapagkat posible pa rin itong baguhin dahil sa paghihigpit sa mga pagtitipon tulad ng mga kaganapan sa kasal.

"Alam mo, hindi rin namin alam," isang mabilisan na sagot ni Ellen.

Tukoy pa ni Ellen sa community quarantine status sa bansa, "Kasi pabago-bago ang ano, e... May ECQ, may MECQ, lahat na lang… barbecue."


Napangiting sambit ni Derek, "So, hindi namin alam, yung rules keep changing. So, we have to obey the rules."

Pero umaasa pa rin naman silang matuloy ang napagkayarian nilang wedding date.

Iya ni Derek, "Yung actual date na naka-book na sana kami, yun pa rin sana ang hinahabol namin.

Dagdag pa niya, "Pero yun nga, pabago-bago ang mga rules. So, hindi namin alam kung matutuloy pa yung date na yun.

"Every time na nagbabago, urong na naman, urong na naman. Just to be safe, 'no?

"So, yung exact date, wala pa talaga. It all depends pag nag-steady na talaga yung ano [COVID cases]. Pero ongoing pa rin yung pagplano [sa wedding].

"We’re meeting the coordinator again. Magmi-meet kami sa wedding coordinator on the 13th tapos magpi-prenuptial shoot na kami."

Mahirap talaga piliting ituloy ang kasal kapag nasa ECQ dahil limitado lamang ang puwedeng ma imbitahan.

"Kasi ngayon, parang ten lang daw ang allowed?" tukoy ni Ellen sa protocol sa mass gathering.

"Pamilya niya, pamilya ko, hindi talaga kakayanin yung ten," saad ni Derek.

Sabi pa niya, hanggang ngayon seckreto lang daw muna ang venue ng kanilang kasal.

Basta ang gusto nila ay very intimate talaga na mag-e-enjoy ang makakasaksi sa kanilang pag-iisang dibdib.


Ilan nga ba ang plano nilang i accommodate na guest sa kasal?

"Basically, ano siya, e, very, very intimate. Very, very small.

"Tapos very, very relaxed. Gusto naming relaxed kami. Hindi yung suot namin na hindi kami makakilos nang maayos.

"Hindi siya yung typical wedding, e.

"Parang gusto namin na everybody is there to really have fun, to enjoy that special day."

Hindi man sinagot ni Ellen kung sino ang gagawa ng wedding gown niya pero sinabi niyang may dalawa siyang pinagpipilian ngayon. 

Sabi naman ni Derek , "Meron siyang dalawang options na sinukat na siya and everything. So, she still has to make that decision.

"Tapos ako, hindi ako makag-decide until she made her decision."

Powered by Blogger.