Kim Domingo, Emosyonal na ibinalita na nagpositibo siya sa Covid-19!
Kim Domingo born February 3, 1995, is a Filipino actress, model, Internet personality, and television presenter. She is well known for playing the leading antagonist in Juan Happy Love Story, Tsuperhero and Super Ma'am. She is currently a GMA Network contract artist.
August 27, 2021
Nag positibo ako sa COVID-19. First of all, hindi ko inexpect na tatamaan pa ako sa sobrang pagiingat na ginagawa ko. Kumpleto din ako ng vitamins at fully vaccinated.
Pag galing labas? Hindi ako nauupo sa sofa or dining chairs, ligo agad. Kasi posible na nasa damit natin ang virus. Ipapasok sa uv sterilizer ang mga dala kong gamit sa labas. Kung ano man ang mga napamili ko galing labas lahat yan isa isa ko iniisprayan ng lysol tapos hugas ng kamay kahit alam kong maliligo na ako.
Groceries? Lahat dini disinfect talaga. As in isa isa talaga. Pati mga isda, karne, hinuhugasan ko at nililipat sa isang container. Ang mga gulay, hinuhugasan ko sa tubig at baking soda.
Pagkain? Ultimo pagkain na binibili ko sa labas, nililipat ko ng container then pasok sa microwave. Pero bago ko gawin yun, after ko hawakan ang pagkain na nabili sa labas, lapag sa isang side, hugas ng kamay tapos kuha container lipat ang mga pagkain tapos hugas ulit kamay then pasok sa microwave. Pag humawak ako ng bagay na galing sa labas, hindi ako naghahawak ng kung ano ano hangga’t alam ko na di pa ako nakakapag hugas ng kamay. Pati sa mga pumupuntang bisita or family members ko pinapatupad ko lahat ng protocols na yan, again pati family ko. Minsan pinagtatawanan na nga ako. Para sakin hindi yun pagiging maarte kundi pag iingat. Ganito yung paraan ko ng pag iingat. Pero laking gulat ko na kahit sobrang ingat ko na, tinamaan pa din ako. Hindi din ako masyado lumalabas unless meron ako importante na gagawin. Naka suot din ng mask palagi. Pag nasa labas ako, todo alcohol lalo kapag meron ako hinawakan na bagay sa labas. Hindi din ako humahawak sa mukha ko.
Aug 26 ng gabi, nilalamig ako with runny nose. Feeling ko magkakasakit ako, pero dedma. Sabi ko baka napagod lang ako.
Aug 27 Pag gising ko sa umaga, nilalagnat na ako. Mabigat ulo ko, masakit katawan ko, nagspray ako ng alcohol at inamoy ko meron pa din akong pang amoy. Sa pagkain ang gana ko pa din kumain, meron pa din ako panlasa. Kinahapunan, nag decide na ako magpa rt pcr test just to make sure at para mawala na din iniisip ko na baka nga positive ako.
Aug 27 8pm lumabas RT PCR result ko. POSITIVE. Sobrang gulat na gulat ako, di ko akalain na makakalusot sa kagaya kong sobra sobra ang pag iingat.
Aug 28 nagstart na ako mawalan ng pang amoy at panlasa. Pero magana pa din ako kumain. Nakakakilos naman ako maayos.
Aug 29 wala na akong lagnat, pero wala pa din pang amoy at panlasa. Pero malakas pa din ako kumain. Mas okay na pakiramdam ko. 😊 Pahinga lang at iwas ma-stress. Salamat PANGINOON 🙏🏻 Salamat din sa bakuna🙏🏻
Hindi ko na din po magagawa ang #LoveDieRepeat , ito sana ang pagbabalik ko sa TV simula nagka pandemic dahil hindi po ako tumanggap ng trabaho sa labas. Work from home ako palagi. Natatakot ako maglock in taping pero dahil nabakunahan na ako, mas napanatag ako saka namimiss ko na ang pag arte 🥺 Naka set na sana kami nung Aug 29 para sa quarantine ng show at biglang sa hindi inaasahan, nangyari ito. Grabe ang iyak ko nung nalaman ko na hindi na ako makakasama sa show. Napaka wrong timing. Pero inisip ko nalang, may dahilan kung bakit nangyari ito. May ibang plano siguro si LORD para sa akin 🙏🏻😭
Saan ko nga ba nakuha? Hindi ko din alam, pero isang lang ang malinaw sakin. Kahit anong ingat mo, pwedeng pwede ka tamaan ng COVID. Hindi natin sya nakikita. Kaya kung meron kayo pagkakataon na magpa bakuna, magpa bakuna kayo. Isa din ako sa mga takot na takot magpabakuna dati. Sabi ko hindi ko ilalagay sa katawan ko yan. Ako pa naman yung tipo ng tao na mahilig magsearch at magbasa basa. Sabi ko di bale nalang, pero hindi talaga ako papabakuna. Madami ako nakausap, naexplain sakin ng maayos. Nakwento din nila kung ano mga experience nila after magpa vaccine. Isang araw narealize ko na gusto ko na magpabakuna, then kami ng family ko nagpabakuna na. Inisip ko, kesa naman ako ang mahirapan, pati mga mahal ko sa buhay pag tinamaan kami ng covid. Makakatulong ang bakuna para mabawasan ang severity ng covid. Buti nalang at fully vaccinated na ako at ang pamilya ko. Tuloy tuloy pa din ako sa pagiingat, pag di-disinfect hindi din po ako lumalabas. Tatapusin ko po ang aking home quarantine hanggang sa ako ay mag negative na sa virus. 😊 Salamat din sa mga nagpa abot ng kanilang message at pag aalala. Love you all! Stay safe po sa lahat! ❤️

