Isang sikat na Kapuso Actor nalink sa LiveStreamer. LiveStreamer todo deny!

 


Itinanggi ng sikat na gamer na si Bianca Yao na nakikipagrelasyon sa kaniya ang aktor na si Alden Richards.

Si Bianca, 22, ay isang game streamer-vlogger na kilala sa eSports.


Nakilala siya na isang Gaming Influencer of the Year sa IRL Awards 2019.

Si Bianca ay may 1.3 milyong mga follower sa Facebook, kung saan regular siyang nakakapag-stream ng kanyang mga laro.

Si Alden, 28, ay ang artista-TV host-recording artist-businessman superstar ng GMA-7.


Kilala rin si Alden sa kanyang hilig sa paglalaro ng mga online game.

Parehong single kaya si Bianca at Alden ay naka-link na ngayon sa gaming community.

Ito ay matapos na e-ship ang dalawa ng  o fandom na tinawag na AlCake. Ang "Al" ay si Alden, habang ang "Cake" ay mula sa BianCake - ang pangalan ni Bianca sa gaming community at sa kanyang mga social media account.


REGALONG FACEBOOK STARS KAI BIANCA

Noong April 5 ng nagsimulang e-ship ng gaing community sina Alden at Bianca sa kadahilanang  ang Kapuso Superstar ay nagbigay ng 3,500 stars  kay Bianca habang naka-live stream ito na kitang naglalaro ng DOTA.

Ano ba ang "STARS"

Ayon sa facebook help page, Facebook Stars is a feature that allows you to monetize your stream. Viewers can buy Stars and send them to you while you're streaming. Fans can also send animated, virtual gifts attached to different star amounts that will appear in your stream. For every Star you receive, Facebook will pay you $0.01 USD."


Hindi pa alam ni Bianca noong una na si Alden ang nagbigay ng stars sa kanya. Makikita sa livestream nitong nagpasalamat ito kay "Richard Reyes Faulkerson Jr.".

Tanging ang mga nakapanuod din lang ng livestream ni Bianca ang nagsabi sa kanya na si Richard Reyes Faulkerson Jr. ay walagng iba kundi si Alden Richards. 

Nagulat si Bianca ng malaman niya ito. Sabi ni Bianca, “Dapat hindi lang 1,000 stars.”

At pagkatapos nagbigay ang aktor ng karagdagang 2500 stars. Sabi ni Bianca, “Wag kang ganyan, Alden. Marupok ako. Wag kang ganyan.”

Kitang kinilig ang streamer sabay sabing “Wait lang, wala na. Nawala na ako sa laro.” 

Dagdag pa niya,  “Sali ka DOTA, bubugbugin kita”


Nag-chat si Alden: “Huwag mo naman ako bugbugin [angel halo emoji]”

Pabirong sagot ni Bianca: “Sige na nga, di na kita bubugbugin.

“Aalagaan na lang kita.”

Powered by Blogger.